CAVITE- Umabot sa P1.9 milyong halaga ng shabu at apat na armas ang nasamsam ng mga awtoridad sa sa pitong suspek sa magkasunod na anti-illegal drugs operations, sa mga probinsya ng Cavite, Laguna, Rizal at Quezon, iniulat kahapon.
Sa report ng Region 4A, nadakip ang tatlong suspek na sina alyas Jeff, Raymond, at Barok, Raymond, bandang alas-12:55 ng hatinggabi nitong Huwebes sa Barangay Salawag, DasmariƱas City.
Nakuha sa mga suspek dalawang plastik bag, siyam na pakete na naglalaman ng 240 gramo ng shabu na aabot sa halagang P1,632,000, timbangan, at .45 kalibre na baril na may tatlong bala.
Sinabi ng pulisya na tinaguriang high value individual ang mga naarestong suspek.
Nahuli din ng mga awtoridad ang dalawang suspek na armado ng armas na pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa lalawigan ng Laguna.
Narekober sa mga suspek ang P68,000 halaga ng shabu at .22 kalibre na armas na may dalawang bala.
Gayundin ang isang alyas Junjun na street drug pusher sa Barangay Sto. Anghel ,San Pablo City bandang alas-3:11 ng hapon.
Nakuha kay Jonjon ang .22 na kalibre na baril na may limang bala at P34,000 halaga ng shabu.
Nadakip din ang isang street-level drug pusher na kilala sa pangalang Alvin, bandang alas-4:10 ng hapon noong Miyerkules sa Barangay San Jose, Rodriguez Rizal.
Narekober kay Alvin ang anim na pakete na shabu na may bigat na 30 gramo at aabot sa halagang P204,000 dakong alas-9 ng gabi sa Barangay Cotta, Lucena, Quezon, sa bisa ng search warrant.
Nakuha sa suspek ang P40,800 halaga ng shabu at .38 caliber revolver na may tatlong bala.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek at illegal possession of firearms sa mga nakuhanan ng armas. Mary Anne Sapico