Home NATIONWIDE Sapat na pondo para sa benefit packages sa kabila ng zero subsidy...

Sapat na pondo para sa benefit packages sa kabila ng zero subsidy mula sa PH gov’t ginarantiya ng PhilHealth

MANILA, Philippines- Sapat na ang “war chest” ng Philippine Health Insurace Corporation (PhilHealth) para tustusan ang anumang mga karagdagan o pagpapalawak sa benefit package nito na maaaring makuha ng mga Pilipino para sa kanilang kalusugan at pangangailangang medikal sa kabila ng kawalan ng subsidiya sa gobyerno para sa fiscal year 2025, pagtitiyak ng state insurer.

Sinabi ni PhilHealth senior vice president for fund management Renato Limsiaco Jr. na ang nasabing organisasyon ay may authorized corporate operating budget na P271 bilyon para sa nasabing taon upang masakop ang mga gastusin para sa mga benepisyo ng mga miyembro.

Ang mga hindi direktang miyembro ay tumutukoy sa mga indigent na tinukoy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mga benepisyaryo ng 4Ps, senior citizens, at mga taong may kapansanan, bukod sa iba pa na hindi nagbabayad ng premium sa PhilHealth.

Sinabi ni Limsiaco na inaasahan ng PhilHealth na makakolekta ng mahigit P200 bilyon mula sa direct contributors ngayong taon.

Ipinasa ng Kongreso ang P6.32 trilyong national budget para sa 2025 at nilagdaan bilang batas nang walang P74 bilyong subsidy mula sa national governemnt para sa PhilHealth.

Sinabi ni Limsiaco na ang PhilHealth ay may surplus na P144 bilyon at kabuuang reserba na P281 bilyon.

Ang government corporation ay naglunsad ng isang hanay ng mga bago at pinalawak na benefit packages na maaaring magamit ng mga Pilipino ngayong taon kasama ang 50% hike sa case rates ng halos 9,000 benefit packages. Jocelyn Tabangcura-Domenden