Home NATIONWIDE Sapat na suplay ng dugo sa Region 5, tiniyak ng PRC

Sapat na suplay ng dugo sa Region 5, tiniyak ng PRC

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) na may sapat na suplay ng dugo sa kanilang chapters sa Region 5 ngunit nakahanda rin na magbigay ng karagdagang tulong sa Department of Health (DOH)-Region 5, na ang tanggapan ay naglabas ng panawagan noong Hunyo 13 para sa dugo upang mapunan ang lumiliit na suplay nito.

“We are ready to send blood right away as the need arises, but right now we have 227 blood units in the region. The PRC National Blood Center in Mandaluyong is sending 50 units of packed red cells by airplane on June 15 to its PRC Albay Chapter for standby,” sinabi ni PRC Chairman and CEO Richard Gordon.

“I have instructed all our chapters to intensify our blood donation drives nationwide. But in this case, we also have mass blood donation drives in the pipeline in our Region 5 chapters.”

Ang Region 5 o ang Bicol Region ay binubuo ng probinsya ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon.

Ang PRC ay ang nangungunang human organization sa bansa na may blood services at kakayahan na tumugon sa sakuna at mass casualty incidents.

Para sa blood requests, blood donation at iba pang katanungan, sinabi ng PRC na maaaring tumawag sa kanilang PRC Blood Services hotline 1158, toll-free hotline 143, at landline +632 8790 2300.

Ang PRC National Blood Center ay bukas 24/7 sa PRC Tower, Edsa corner Boni Avenue, Mandaluyong. O bumisita sa pinakamalapit na PRC Blood Center. Jocelyn Tabangcura-Domenden