Home HOME BANNER STORY Sapat na suplay ng langis siniguro ng DOE: ‘Wag mag-panic

Sapat na suplay ng langis siniguro ng DOE: ‘Wag mag-panic

214
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Energy (DOE) ang publiko na manatiling kalmado kasabay ng pagsisiguro na sapat ang suplay ng langis sa kabila ng tinatayang malakihang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo dahil sa tensyon sa Middle East.

Sa Facebook post nitong Sabado, Marso 7, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na hindi pa dapat magbabago ang presyo ng mga produktong petrolyo hanggang sa susunod na Martes.

Hinimok din ni Garin ang publiko na iwasan ang mag-hoard ng petrolyo.

Sinabi ng DOE na gumagawa na ang pamahalaan ng hakbang para masiguro ang stability ng suplay ng langis sa bansa.

Idinagdag pa na ang fuel price adjustments ay dapat na sumunod sa itinakdang iskedyul at ang premature price incerase ay hindi pinapayagan sa mandato ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“There is no reason for panic buying. The country has adequate fuel supply, and government agencies are actively monitoring the situation to ensure that the public is protected,” saad sa pahayag ng DOE.

Nakikipagtulungan na rin ang DOE sa Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police para inspeksyunin ang mga gasolinahan “to prevent hoarding, profiteering, or supply manipulation.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here