Home NATIONWIDE Sapilitang face mask vs bagong COVID variant ‘di kailangan – DOH

Sapilitang face mask vs bagong COVID variant ‘di kailangan – DOH

205
0

MANILA, Philippines – Hindi na kailangan ang muling pagpapatupad ng sapilitang pagsusuot ng face masks sa gitna ng natuklasang bagong Covid-19 variant na maaring maging dominant variant sa buong mundo, sinabi ng Department of Health (DOH).

Inilarawan bilang “isang emerging talent mula sa serye ng mga talents” ang variants, sinabi ni DOH spokesperson Asec Albert Domingo na ang XEC ay isang sangay ng JN.1 na dominant variant sa mundo simula 2024.

Sinabi ni Domingo na ang bagong XEC variant ay nadiskubre sa Germany noong Agosto na may 13 porsiyento ng lahat ng mga kaso ng Covid na na-diagnosed bilang XEC infections.

Kabuuang 600 XEC kaso ang natukoy sa 27 bansa sa buong Europa, North America at Asia.

Sinabi ni Domingo na ang XEC ay posibleng nakapasok na s abansa ngunit binannggit na walang Covid-19 infectioons na naitala s apanahon ng Setyembre 1-14.Ang karamihan sa naitalang sakit sa nasabing panahon ay influenza A infections.

Sinabi ng DOH na nakapaghtala ng impeksyon ng KP.2 at KP.3 ay bumaba rin sa 80 kaso per day mula 400-500 kada araw.

Ang pagtaas ng flu-like illnesses ay maaring dahil sa onset ng malamig nak lima,sabi ni Domingo.

Tiniyak ng helatn official ay walang dapat ikatakot mula sa XEC , na binanggit na walang uptick sa severe Covid-19 cases sa Germany. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here