Home NATIONWIDE Aroma, Tondo fire victims inayudahan ni Bong Go

Aroma, Tondo fire victims inayudahan ni Bong Go

PINASAYA ni Sen. Bong Go ang mga pamilyang nasunugan kamakailan sa Aroma Compound, Tondo nang personal niyang dalawin at bigyan ng ayua ang mga ito.

Personal na tinulungan ni Senator Christopher “Bong” Go, kilala bilang Mr. Malasakit, ang mahigit 2000 libong pamilyang na naapektuhan sa sunog kamakailan sa Barangay 105, Tondo, Maynila nitong Martes.

Muling pinatunayan ni Go ang kanyang determinasyon na mabigyan ng mas ligtas at mas komportableng buhay ng lahat ng Pilipino, sa pagtiyak na walang maiiwan tungo sa pagbangon.

“Noon pa man, pangako ko na kahit saang sulok kayo ng Pilipinas, basta kaya ng aking katawan at panahon — sunog, putok ng bulkan, lindol, bagyo — pupuntahan at tutulungan po namin kayo. Makatulong sa abot ng aming makakaya, makapagbigay ng solusyon sa mga problema, at makapag-iwan ng kaunting ngiti sa panahon ng inyong pagdadalamhati,” ang pahayag ni Go.


Kasabay nito, pinasalamatan ni Go ang pagsisikap ng kanyang mga kapwa public officials, partikular si Senador Francis Tolentino na nagbigay din ng karagdagang tulong sa mga apektadong residente bago pa siya dumating sa lugar.

Kinilala rin niya ang dedikasyon nina Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Nieto, at mga opisyal ng barangay sa kanilang suporta sa mga mamamayan sa grassroots level.

Si Go at ang kanyang Malasakit Team, sa pakikipagtulungan ng 105 Barangay Captain Elenita Reyes, ay namahagi ng grocery packs, lalagyan ng tubig, meryenda, bitamina, masks, kamiseta, basketball at volleyballs. Mayroon ding mga piling nakatanggap ng sapatos, mobile phone, bisikleta, at relo.

Nang makita ng senador ang sitwasyon, isang nasunugan ang binigyan ni Go ng suot niya mismong sapatos sa gitna ng relief initiative.

“Mahirap pong masunugan. Masakit masunugan. Tinatanong ko una, mayroon bang nasaktan o namatay? Kaya tandaan po natin ang gamit po ay nabibili. Ang damit po nalalabhan. Ang pera po’y kikitain. Subalit ang perang kikitain ay hindi po nabibili ang buhay. . A lost life is a lost life forever,” sabi ng senador.

Binigyang-diin ng mambabatas na sa kasalukuyan ay sumasailalim ang Bureau of Fire Protection sa modernization program na naglalayong pahusayin ang kakayahan at kahandaan nito sa pagsugpo ng mga sunog.

Ang Republic Act No. 11589 o BFP Modernization Act of 2021 na pangunahing niyang iniakda at co-spons ay layong imodernisa ang BFP. Kinabibilangan ito ng pagbili ng mga modernong gamit laban sa sunog, pagkuha ng karagdagang mga bumbero, at pagbibigay ng espesyal na pagsasanay sa mga tauhan.

Kamakailan naman, ang pangunahin din niyang iniakda at co-sponsor na Senate Bill No. 2451 o Ligtas Pinoy Centers Act, ay naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado.

Kapag tuluyan itong naisabatas, itatayo ang mga Mandatory Evacuation Center sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa buong Pilipinas para mabigyan ng ligtas, malinis, at disenteng tirahan pansamantala ang mga biktima ng natural na sakuna.

Sa huli, pinayuhan ni Go ang mga nasunugan, lalo ang may problemang medikal na lumapit sa Malasakit Centers, na matatagpuan sa Tondo Medical Hospital, Philippine General Hospital, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, Jose R. Reyes Memorial Medical Hospital, at San Lazaro Hospital. RNT