Home NATIONWIDE Sarah Discaya, pwedeng lumaya sa NBI dahil walang warrant of arrest

Sarah Discaya, pwedeng lumaya sa NBI dahil walang warrant of arrest

297
0

MANILA, Philippines – Maaaring umalis si contractor Sarah Discaya sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil wala pang inisyu na warrant of arrest laban sa kanya, ayon kay Acting Director Angelito “Lito” Magno nitong Lunes.

“Of course, since wala pang warrant of arrest, we cannot legally hold her,” ani Magno.

Sumuko si Discaya noong nakaraang linggo matapos ipahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na inihahanda ang warrant of arrest kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.

Ayon sa kanyang kampo, ang pagsuko ay isang “strategic legal move” at hindi pag-amin ng kasalanan.

Ani Magno, kung maglalabas ng warrant ang regional trial court, isusunod ito ng mga operatibo ng NBI.

“If ever it will come out, we will serve the warrant. It will be booked, fingerprinted, photographed, and then we will return the warrant,” dagdag niya.

Haharapin ni Discaya at ng siyam pang iba ang kaso ng umano’y malversation ng pondo publiko at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay ng P96.5-milyong ghost flood control project sa Barangay Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Nagpakita dati ng kagustuhang maging state witnesses ang mag-asawang Discaya, ngunit sinabi ng Office of the Ombudsman na maliit ang posibilidad nito dahil sa kanilang malalim na pakikilahok sa anomalya. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here