Home NATIONWIDE Walang Pinoy na nadamay sa Bondi beach mass shooting

Walang Pinoy na nadamay sa Bondi beach mass shooting

264
0

MANILA, Philippines – Walang naiulat na Pilipino na nasawi o nasugatan sa teroristang pag-atake sa Bondi Beach sa Sydney nitong nakaraang weekend, ayon sa Philippine Consulate General sa Sydney nitong Lunes.

Kinumpirma ng Konsulado ang pakikipag-ugnayan sa New South Wales Police Protection Operations Unit, na nag-ulat na walang senyales na kabilang ang mga Pilipino sa mga napatay o nasugatan.

Ipinahayag din nito ang pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima ng pag-atake na naganap sa Hanukkah community event noong Disyembre 14.

Umabot sa 16 ang nasawi at 40 ang nananatiling nasa ospital, kabilang ang isang bata.

Hinikayat ng Konsulado ang mga Pilipino sa Australia na maging mapagmatyag at sundin ang mga tagubilin ng awtoridad.

Para sa agarang tulong o emerhensiyang konsular, pinapayuhan ang mga Pilipino na tawagan ang Assistance to Nationals Hotline sa +61 481 728 027. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here