Manila, Philippines – Nakahanap ng mga kakampi si Sarah Lahbati sa maraming netizens who are now up in arms against Xian Gaza.
Para sa mga defenders ni Sarah, obyus namang ito ang subject sa blind item ng binansagang Pambansang Marites.
Itsinika ni Xian ang isang babaeng interesadong bumili ng apartment sa Paris, gayong pabaya itong ina sa kanyang anak na pumapasok sa school nang walang baon.
Yaman-yamanan daw ang ina, wala namang binatbat!
Base ito sa Netflix series kung saan featured si Sarah.
Ni wala nga daw pang-travel ang babae na wala ring pambayad ng electric bills.
Dito na to the rescue ang mga netizens kay Sarah.
Resbak ng isang netizen: “Ano bang paki mo? Puro ka na lang paninira sa mga tao, akala mo naman perfect ang buhay mo!”
Sa kabila nito’y nananatiling unaffected si Sarah.
Sa katunayan, nag-post pa ito ng mga photos sa social media na may caption na: “Still cute!” Ronnie Carrasco III