Home ENTERTAINMENT Sarah, nakiramay sa Guttierez family!

Sarah, nakiramay sa Guttierez family!

110
0

Manila, Philippines- Magbilas kung tutuusin sina Sarah Lahbati at Alexa Uichico (RIP).

Magkapatid kasi ang mga napangasawa nila: si Sarah kay Richard Gutierez, si Alexa kay Elvis.

Kahit paano’y naging malapit din sa isa’t isa ang magbilas.

Ito ang dahilan kung bakit sa kabila ng paghihiwalay nina Sarah at Richard ay tinatanaw pa rin ng una ang kanilang pinagsamahan ni Alexa.

As reported, pumanaw si Alexa, 38, nitong July 27 sanhi ng acute lymphoblastic leukemia.

Naiwan niya ang dalawang anak na sina Aria, 9 at Ezra, 7.

Ipinagluluksa ng Gutierrez family ang pamamaalam ni Alexa, who was diagnosed with leukemia nitong January ng kasalukuyang taon.

Over the past weeks, magkahiwalay pang humingi ng taimtim na panalangin si Annabelle Rama at si Ruffa, Alexa’s mother-in-law and sister-in-law, respectively.

“Heartbroken” at “shocked” nga kung ilarawan ni Ruffa ang kanyang nararamdaman.

Maging ang mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice ay nagpost ng tribute bilang pag-alala sa kanilang Tita Lex.

Nangako naman ang mga ito na gagabayan nila ang kanilang mga pinsang sina Aria at Ezra.

For her part, nagpost si Sarah sa Instagram Stories ng: [white heart emoji] Forever in my heart [white heart emoji].”

Dagdag pa ni Sarah: “I love you, sestra!”

Sa bandang huli’y nanghihinyang si Sarah sa maagang pagpanaw ng bilas: “I can’t wrap my

head…why..why.too soon, Lex. It’s not fair!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here