Home ENTERTAINMENT Sarah, umatras sa movie with Matteo?

Sarah, umatras sa movie with Matteo?

174
0

Manila- Philippines- Sana’y biruan lang sa circle of friends ang tinuran ni Sarah Geronimo patungkol sa mister na si Matteo Guidicelli.

Nagkabistuhan daw tungkol sa umano ay pakikipag-usap ni Matteo kay Boss Vic del Rosario requesting that he and Sarah do a movie together.

Nang malaman ni Sarah ay “violent” daw ang naging reaksyon nito.

The Popstar Royalty was quoted to have said: “Ayoko nga…baka mawalan pa ako ng career!”

Sa isang banda, malabong paniwalaan ang pananabla ng singer-actress sa kanyang mister.

Obyus naman that they’re supportive of each other.

Sa sobra ngang pagiging supportive ni Matteo, tila hindi siya aware na “aleli” ang peg niya kay Sarah.

Aleli as in alalay!

Take it from a producer-director na nakakatisod ng Instagram Reels ng mag-asawa.

Kinuwestyon kasi nito ang aleli duties ni Matteo na hindi na raw niya napanood sa IG Reels na hindi laging tagabitbit ng mga gamit ni Sarah.

While bag lang niya ang dala-dala mismo ni Sarah, sa magkabilang kamay ay bitbit ni Matteo ang maleta ng misis, isa pang bag at lalagyan ng tubig and another handcarry.

Take note, hindi naman daw ‘yon sa isang showbiz event ni Sarah kundi sa mga pangkaraniwang lugar na pinupuntahan ng mag-asawa.

Palatandaan lang daw ‘yon na jobless o walang career sa ngayon si Matteo kaya nagpi-PA (personal alalay) siya kay Sarah.

But does it not just show how supportive Matteo is of his wife at hindi big deal na pagsilbihan niya ito? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here