Home ENTERTAINMENT Sarap ‘Di Ba?, sisibakin na!

Sarap ‘Di Ba?, sisibakin na!

Manila, Philippines- Twelve years.

Ganito katagal sa ere ang pang-Sabadong morning show ng GMA, ang Sarap ‘Di Ba?

Pero sadyang totoo ang linya mula sa awitin ni Barbra Streisand na “some good things never last.”

Sa pagpasok kasi ng October ay hindi na mapapanood ang programa ni Carmina Villaroel kasama ang kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng GMA hinggil sa nalalapit na kanselasyon nito.

Pero maugong ang balitang isang variety program ang papalit sa masisibak na cooking show.

Matatandaang sinalo ni Carmina ang pagho-host nito nang lumipat si Regine Velasquez sa ABS-CBN noong October 2018.

It was Regine who then hosted Sarap Diva which piloted in October 2012.

Nasabihan na raw ang SDB staff noong isang linggo na hanggang October na lang sila.

Ang mga umeereng episodes ay matagal nang nakabangko.

Hindi siyempre maliwasang marami ang nalungkot hindi lang para sa staff kundi para sa mag-lina.

Maging ang Abot Kamay na Pangarap ni Carmina ay mamamaalam na rin sa ere.

Samantala, Mavy and Cassy’s last regular show on GMA ay ang Tape, Inc.-produced noontime show which rivaled TVJ’s show on TV5.

Ano kaya ang plano para kay Carmina at sa Legaspi twins ng Kapuso network? Ronnie Carrasco III