Home METRO Sasakyan dumayb sa patubig, nalunod

Sasakyan dumayb sa patubig, nalunod

3
0

BULACAN, Philippines – Isang sasakyan ang aksidenteng nalaglag sa patubig ang agarang nirespondehan ng mga residente sa Brgy. Poblacion, Pulilan.

Sa ulat ng Pulilan MDRRMO nitong September 3, agad nagsagawa ng vehicle recovery operation ang mga awtoridad para makuha ang lumubog na sasakyan.

Ayon sa ulat, magkakatuwang sa operasyon ang Pulilan MDRRMO, Traffic Management Office, Rebtrade, kasama ang iba pang mga indibiduwal at grupo upang maging maayos at ligtas ang isinagawang operasyon.

Dahil dito, ligtas na naiahon ng boom truck ang isang 7 seater compact multi-purpose vehicle sa nasabing patubig.

Sinasabing mabuti na lamang walang naiulat na nasaktan sa naturang insidente. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here