Home METRO Sasakyan nabagsakan ng bloke ng semento ng NAIA Expressway

Sasakyan nabagsakan ng bloke ng semento ng NAIA Expressway

MANILA, Philippines – Isang estudyante ang nakaligtas matapos mabagsakan ng konkretong bahagi ng NAIA Expressway ang kaniyang SUV sa Barangay Tambo, Parañaque.

Nasira ang windshield, hood, at bubong ng sasakyan.

Nagtamo ng minor na pinsala sa ulo ang estudyante, na agad dinala sa ospital matapos bigyan ng paunang lunas.

Ayon sa Skyway O&M Corporation, isolated ang insidente at nakikipag-ugnayan sila sa mga awtoridad at pamilya ng biktima.

Nagsagawa rin sila ng masusing inspeksyon para sa kaligtasan ng mga motorista. RNT