Home HOME BANNER STORY Sass Sasot inireklamo ng cyber libel

Sass Sasot inireklamo ng cyber libel

MANILA, Philippines – Naghain ng cyber libel complaint si dating Department of Finance undersecretary Cielo Magno laban sa blogger na si Sass Rogando Sasot na nag-akusa sa kanya ng “malicious imputations and wrongs.”

“Today, I filed a criminal complaint against Sass Sasot for the crime of cyberlibel. Like many others, I have been the subject of malicious imputations and wrongs by Ms. Sasot,” ani Magno.

“It’s time to push back and to use all the legal remedies that are available to us to put an end to this display of impunity,” dagdag pa niya.

Wala pang tugon si Sassot sa naturang isyu.

Matatandaan na nagkaroon ng mainitang palitan ng komento sina Magno at Sassot noong nakaraang taon kaugnay sa pagbatikos nito sa confidential fund spending ni Vice President Sara Duterte.

Ani Magno, isa sa nagtulak sa kanya para maghain ng reklamo ay ang post ni Sassot noong Pebrero 6 na nagsasabing:

“Sa sobrang galit ni Cielo Magno kay Mary Grace Piattos, binigyan nya ng ilang bilyon mga Congressman para hanapin ito. Economics prof nga. May demand. May supply.”

Sa pahayag, sinabi ni Magno na umaasa siyang ang pinakahuli niyang aksyon ay magdudulot ng “restore civility and begin a path towards accountability and good governance.” RNT/JGC