MANILA, Philippines – Isinasapinal na ng Philippine National Police (PNP) ang deployment plans nito upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan sa kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Biyernes.
Matatandaan na nagsagaw ng kabi-kabilang mga prayer rally ang mga tagasuporta ni Duterte para ipanawagan ang pagpapauwi sa dating Pangulo na ngayon ay nasa The Hague, Netherlands at naka-detain habang hinihintay ang paglilitis sa mga umano’y crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na isinasapinal na ng ahensya ang mga aktibidad kasama ang Davao City Public Safety and Security Office.
“But as a normal procedure ay maglalatag ng kaukulang security coverage ang PNP para siguraduhin ang security and safety ng lahat na aattend diyan sa activity na yan,” ani Fajardo.
Sa Marso 28 ay magdiriwang ng ika-80 kaarawan si Duterte. RNT/JGC