MANILA, Philippines – Dapat umanong kumilos ang Comission on Elections (Comelec) sa petisyon na kanselahin ang pagpaparehistro ng Duterte Youth partylist na mahigit anim na taon nang nakabinbin, ayon sa isang progresibong grupo ng kabataan nitong Martes, Marso 25.
Kasunod ito ng isinagawang demonstrasyon sa harap ng tanggapan ng Comelec sa Placio del Gobernador ang grupo ng Kabataan Tayo ang Pag-asa (KTAP).
Naghain si KTAP national convenor Brell Lacerna ng urgent motion sa Comelec upang resolbahin ang petisyon na ikansela ang party-ist registration at/o ideklara ang nullity o ipawalang bisa ang registation laban sa Duterte Youth na inihain noong Setyembre 3, 2019.
“The prolonged resolution of these cases disregards the constitutional provision ensuring the genuine representation of the marginalized, especially of the youth,” sabi ni Lacerna.
Muling iginiit ni Lacerna na ang partylist group ay gumawa ng hindi makatotohanang mga pahayag hinggil sa edad ng kanilang mga nominado.
Isa sa nominado noong panahong iyon ay si dating National Yourth Commission chairman Ronald Cardema na diniskwalipika ng Comelec.
Sa batas ng party-list, itinakda ang age requirements para sa kinatawan ng kabataan sa maximum age na 30 years sa mismong araw ng halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden