Home NATIONWIDE P2M pabuya alok sa makapagbibigay ng impormasyon sa ambush sa Bulacan

P2M pabuya alok sa makapagbibigay ng impormasyon sa ambush sa Bulacan

MANILA, Philippines – Nag-alok na ang pulisya ng P2 milyong pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon sa pagpatay sa isang social media operator, girlfriend nito, at security aide sa Bulacan.

Ito ang inanunsyo ni PNP spokesperson and Police Regional Office 3 (PRO3) Director Brig. Gen. Jean Fajardo nitong Martes, Marso 25.

Sa ulat ng mga awtoridad, binaril ang mga indibidwal habang sakay ng kanilang sasakyan sa Maharlika Highway sa Barangay Capihan, San Rafael noong Biyernes, Marso 21.

“We are offering a P2-million reward for whoever can give any information about this incident, especially those involved… in this heinous incident in San Rafael, Bulacan,” sinabi ni Fajardo.

“These are possibly politically motivated killings because, based on information shared with us, one of the victims has been working, at least as a consultant, for well-known political figures there in Bulacan,” dagdag pa niya.

Ang social media operator na kinilalang si
Bryan Villaflor, ay nagtatrabaho para kay Bulacan 3rd District congressional candidate Victor Silverio.

Ani Fajardo, nilikha na ang isang special investigation team para tutukan ang insidente.

“We are in talks about whether to recommend San Rafael, Bulacan as an area with election risk factors because of this incident.” RNT/JGC