Home NATIONWIDE SC ‘di naglabas ng TRO

SC ‘di naglabas ng TRO

MANILA, Philippines – Bigo ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na makakuha ng temporary restraining order kaugnay sa ipinagkaloob na kooperasyon ng gobyernong Marcos para maisilbi ang arrest warrant laban sa dating Pangulo.

Sinabi ng Korte Suprema na matapos ang deliberasyon, bigo ang mga petitioner na patunayan na mayroon malinaw o “clear and unmistakable right ” para magpalabas ang korte ng TRO.

Gayunman, inatasan ng SC ang mga respondents na maghain ng komento hinggil sa petition with prayer for TRO and/or writ of preliminary injunction sa loob ng sampung araw.

Natangap kahapon ng Supreme Court (SC) Petition for Certiorari and Prohibition with Prayer for the Issuance of Temporary Restraining Order (TRO) and/or Writ of Preliminary Prohibitory and Mandatory Injunction na inihain ni dating Pangulong Duterte at Senator Ronald Dela Rosa laban kina Executive Secretary Lucas Bersamin.

Samantala, iniutos na rin ni Chief Justice Alexander Gesmundo na ipa-raffle na sa magiging in charge ang mga petition naman hinggil sa hinihingi ng mga anak ni Duterte na habeas corpuz. TERESA TAVARES