MANILA, Philippines – Mahigit 500 na motorsiklo na mabilis ang takbo at bumubusina nang malakas ang namataan sa mga kalsada sa Davao City nitong gabi ng Martes, Marso 11.
Hindi naman matukoy ng mga pulis na naka-istasyon sa Roxas night market kung anong grupo ito ng mga rider, ngunit posibleng paraan umano ng mga ito sa pakikisimpatya sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaan na sa kaparehong araw ay inaresto si Duterte nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport sa bisa ng warrant ng International Criminal Court (ICC) sa umano’y crimes against humanity sa war on drugs ng kanyang administrasyon. RNT/JGC