Home METRO 2 holdaper nasukol sa Cavite

2 holdaper nasukol sa Cavite

MANILA, Philippines – Naaresto ang dalawang holdaper habang ang isa ay naka-hospital aarest makaraang nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa Dasmarinas City, Cavite.

Ayon sa report, ginagamot ngayon sa pagamutan ng Dasmarinas City ang suspek na si alyas Elmer, 27, tricycle driver ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmarinas City, Cavite dahil sa tama ng bala ng baril nang nakipagpalitan ito ng putok sa mga awtoridad na kanyang naka-enkuwentro.

Nasa kostudiya naman ng Dasmarinas Component City Police Station ang isa pang suspek na si alyas William, 32, landscaper at residente sa nasabing lugar.

Base sa sumbong ng biktimang si Zyrel Canoy ng Brgy Camachille 2, bandang alas-9:50 kamakalawa ng gabi nang holdapin siya ng mga suspek sa Brgy. Salitran 3 sa pagsasalarawan sa mga ito na nakasuot ng itim na jacket at magka-angkas sa isang motorsiklo

Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad kung saan namataan nila ang mga suspek base sa deskripsyon na ibinigay ng biktima at nagpapalit ng damit.

Nang tinangka nilang lapitan ay nagbunot ng baril ang isa sa kanila subalit gumanti ang pulisya na nagresulta sa pagkakasugat ni alyas Elmer habang naaresto naman si alyas William. MARGIE BAUTISTA