MANILA, Philippines – Nagsumite ng travel clearance sa Kamara si Davao City Rep Paolo Duterte upang makapunta ng The Netherlands na agad na inaprubahan, ayon kay House Secretary General Reginald Velasco.
Ayon kay Velasco, personal trip ang nakalagay sa travel clearance ni Rep. Duterte kung saan magtutungo umano siya sa Japan at Netherlands mula Marso 12 hanggang Abril 15.
“We got the request from Congressman Paolo last night. It was for March 12 to April 15 and the request was approved at 1 p.m. today,” pahayag ni Velasco.
“This is just ministerial [lwork on my part because this is a personal trip, no public funds will be used, so we grant this type of request,” dagdag pa nito.
Si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay matatandaang inilipad sakay ng chartered flight patungo muna sa Dubai bago tumulak ng Netherlands.
Si Vice President Sara Duterte ay umalis na ng bansa ngayong Miyerkules ng umaga, Marso 12 na patungo rin sa Amsterdam sa Netherlands. Gail Mendoza