Home NATIONWIDE SC naglabas ng mosyon sa ruling kay Escudero sa P30M campaign donation

SC naglabas ng mosyon sa ruling kay Escudero sa P30M campaign donation

130
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng resolusyon ang en banc ng Korte Suprema na aprubahan ang “Motion for Leave of Court To File and Admit Petition for Review” kaugnay sa kanyang petisyon na humihiling na baligtarin ang naging desisyon ng Commission on Elections na nagpapawalang-sala kay Senator Francis ‘Chiz” G. Escudero kaugnay ng P30 milyong donasyon sa kampanya.

Sa ibinahaging balita ng petitioner na si Barry Tayam sa Manila Standard ngayong Marso 30,2026 , sinabi niya na ang resolusyon ay nagbigay sa kanya ng lakas ng loob.

Noong Disyembre 2025, naghain siya ng petisyon upang kwestyunin ang desisyon ng Comelec.

Sinabi pa ni Tayam na nakakabuhay ng loob ang inilabas na resolusyon ng SC en banc dahil nakikita aniyang may patutunguhan at umuusad ang iba niyang mga inihain.

Hindi rin niya naiwasan na banggitin ang Tayam vs Domagoso na kanyang ikinadismaya at kanyang dinamdam ang naging desisyon ng SC nang ibasura ang inihain niyang petisyon laban kay Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso at City Council kaugnay sa garbage collection fee. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here