Home METRO SC nagtalaga ng karagdagang korte na aalalay sa Taguig City courts

SC nagtalaga ng karagdagang korte na aalalay sa Taguig City courts

MANILA, Philippines- Pitong regional trial courts (RTCs) at apat na metropolitan trial courts (MeTCs) ng Makati City ang itinalaga ng Korte Suprema bilang assisting courts sa Taguig City.

Bunsod ito ng paglipat sa 10 barangay o EMBO barangays mula sa Makati City na idineklara ng Supreme Court na sakop ng Taguig City.

Ito ay habang nakabinbin pa ang paglikha ng mga karagdagang korte sa Taguig.

Sa resolusyon ng Supreme Court kasama sa mga inilagay na assisting courts na Makati RTCs ang:

  1. Branch 136- Judge Rico Sebastian D. Liwanag (Family Court);

  2. Branch 144- Judge Liza Marie R. Picardal-Tecson (Family Court);

  3. Branch 147- Judge Karla Regina D. Valera-Chua (Special Commercial 

Court);

  1. Branch 63- Judge Jacob M. Montesa II (Drugs Court);

  2. Branch 145- Judge Karen A. Matti-Sy;

  3. Branch 65- Judge Veronica B. Tongio-Igot (Drugs Court);

  4. Branch 134- Judge Redentor Dela Cruz Cardenas

Habang ang Makati MeTCs na itinalaga na assisting courts ay ang:

  1. Branch 61- Judge Xavier Paolo R. Del Castillo;

  2. Branch 66- Judge Niño Delvin E. Embuscado;

  3. Branch 128- Judge Maureen L. Rubio Marquez; at

  4. Branch 129- Judge Alexius P. Tang

Nakasaad din sa resolusyon ng SC ang guidelines na susundin ng mga nasabing RTC at MeTC sa paghawak ng mga kaso na inihain sa Taguig courts.

Nilinaw din sa resolusyon na kung nangangailangan ng agarang aksyon ang kasong inihain sa mga korte, maaaring maglabas ng temporary relief ang Executive Judge ng Taguig City. Teresa Tavares

Previous articleBato tiwala kay PBBM vs pagpapasok ng ICC probers sa drug war
Next article4 todas sa puno ng acacia