MANILA, Philippines – Hinimok ni Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier, Chairperson ng 2025 Bar Examination na magpatuloy lamang at tapusin ang tatlong araw na eksaminasyon.
Nasa 11,437 mula sa 13,193 ang kumuha ng pagsusulit ngayong taon sa unang araw ng bar exams.
Isasagawa ang bar exams nitong Linggo, Setyembre 7, at isasagawa rin sa Setyembre 10 at 14 sa local testing centers sa buong bansa.
Binigyang-diin ni Lazaro-Javier ang kahalagaan ng pagpapakita at pagharap sa hamon ng pagkuha ng pagsusulit.
“Keep going. Success is not a product of just one decision or one action. Its a series of decisions to show up and do your best,” mensahe pa nito sa mga bar examinees.
Ipinaliwanag niya na ang bawat pagpili na kanilang ginawa sa paghahanda ay ginagabayan ng mga mahahalagang kadahilanan tulad ng kaligtasan at kaginhawaan ng mga pagsusulit.
Kabilang sa kabuuang examinees na natanggap ay 5,214 na bagong bartakers. Nasa 4,239 naman ang kumuha ulit ng exams habang 1,984 ang refresher.
Sa mga bar examinees, 241 ang Persons with Disabilities (PWDs), 206 senior citizens, 41 ang buntis na kumuha rin ng oagsusulit habang 139 ang examinees na may medical condition. Jocelyn Tabangcura-Domenden