MANILA, Philippines – Ibinunyag nina Sarah at Curlee Discaya nitong Lunes ang mga pangalan ng ilang kongresista, kanilang mga tauhan, at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umano’y sangkot sa katiwalian sa mga flood control projects sa bansa.
Sinabi ito ng mag-asawang Discaya sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senate blue ribbon committee, dahil pumayag ang mag-asawa na maging state witness sa imbestigasyon.
“Paulit ulit kaming ginamit ng mga nasa pwesto sa sistemang ito, wala kaming magawa dahil kung hindi kami makikisama, gagawan nila ng problema ang project na na-award sa amin sa pagitan ng mutual termination o pagkakaroon ng right of way problem na parehong nagdudulot ng hindi matuloy ang implementasyon ng mga proyekto,” saad ni Curlee Discaya.
“Matapos naming manalo sa mga bidding, may mga opisyal mula sa DPWH ang lumalapit sa amin para humingi at kumuha ng bahagi niya sa halaga ng proyekto. Ang hinihingi nilang porsyento ay hindi bababa sa sampung porsyento at umaabot pa ng 25% na naging kondisyon upang hindi maipit ang implementasyon ng programa,” dagdag niya.
Kabilang sa mga pinangalanan ay sina:
-Terrence Calatrava, former undersecretary of Office of the Presidential Assistant of the Visayas
-Pasig City Rep Roman Romulo
-Uswag Ilongo Partylist Rep. Jojo Ang
-Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas
-Quezon City Rep. Juan Carlos “Arjo” Aitayde
-Agap Partylist Rep. Nicanor “Nikki” Briones
-Marikina Rep. Marcelino “Marcy” Teodoro
-San Jose del Monte, Bulacan Rep. Florida Robes
-Romblon Rep. Leandro Jesus Madrona
-Rep. Benjamin “Benjie” Agarao, Jr.
-Anwaray Partylist Rep. Florencio Gabriel Bem Noel
-Occidental Mindoro Rep. Leody “Ode” Tarriela
-Quezon City Rep. Reynante “Reynan” Arogancia
-Quezon City Rep. Marvin Rillo
-Aklan Rep. Teodorico “Teodoro” Haresco
-Zamboanga Sibugay Rep. Antonieta Yudela
-Caloocan City Rep. Dean Asistio
-Quezon City Rep. Marivic Co Pillar