Home NATIONWIDE Scam hub sa Maynila, sinalakay

Scam hub sa Maynila, sinalakay

308
0

MANILA, Philippines – Sinalakay ng pulisya ang isa umanong online romance scam hub sa Maynila kung saan inaresto ang 30 Filipino, walong Chinese national, at isang Taiwanese, inihayag ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) nitong Biyernes, Oktubre 24.

Ang scam hub, na nag-o-operate mula sa tatlong condominium units sa Malate noong nakaraang taon, ay sinalakay nitong Huwebes ng umaga, sinabi ni PNP-ACG Director Brig. Gen. Bernard Yang.

Nakumpiska ng pulisya ang 231 subscriber identity module (SIM) card mula sa local at international telecommunications firms, 200 smartphones, 36 computers, dalawang routers, at dalawang modem sa operasyon, ayon sa ACG.

Isinagawa ang pagsalakay sa pamamagitan ng isang warrant para hanapin, agawin, at suriin ang data ng computer na inisyu ng korte ng Maynila, kasunod ng impormasyong ibinigay ng isang concerned citizen.

Maaalala na ipinatigil ng pamahalaan ang POGO operations noong Disyembre. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here