Home HOME BANNER STORY School principal, pinagbabaril-patay habang papasok sa iskul sa Maguindanao

School principal, pinagbabaril-patay habang papasok sa iskul sa Maguindanao

4
0

COTABATO CITY — Patay ang isang school principal matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin habang papunta sa kanyang paaralan sa Barangay Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur, ngayong Miyerkoles, Nobyembre 18.

Kinilala ang biktima na si Dr. Dionel V. Mahusay, principal ng Datu Pendililang Piang Elementary School at residente ng nasabing barangay.

Batay sa impormasyon ni Lt. Mohammad U Ali ng Datu Saudi Ampatuan Municipal Police, nagmamaneho ng kulay-pilak na minivan ang biktima nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Naganap ang pamamaril humigit-kumulang 50 metro lamang mula sa tahanan ng principal.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Mahusay na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nabatid na nagtamo rin ng 10 butas ng bala ang bahagi ng sasakyan sa panig ng driver.

Pagdating ng mga rumespondeng pulis, wala na sa lugar ang bangkay ng biktima matapos itong maiuwi ng kanyang pamilya.

Nagsasagawa na ng hot-pursuit operation ang mga awtoridad upang matukoy at maaresto ang mga responsable sa pamamaril.

Patuloy ding inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa principal. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here