MANILA, Philippines- Nagdaos ang Tsina at ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng tatlong araw na negosasyon sa Maynila ukol sa panukalang “Code of Conduct” sa South China Sea at Malaysia.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang chairman, ang Malaysia, ng regional grouping na makakamit ang progreso sa pag-uusap.
Ang negosasyon sa antas ng technical working groups ng Tsina at ASEAN member states ay nagsimula araw ng Miyerkules at ang co-chair na Malaysia at China kasama ang Pilipinas ang nagsilbing host ng talakayan.
BIlang ASEAN chair, tinatangka ng Malaysia na magkaroon ng progreso sa negosasyon sa pamamagitan ng paglalapit dito sa konklusyon kung saan isinasaalang-alang ang concerns o alalahanin sa pinagtatalunang katubigan.
Hindi naman kaagad nagbigay ng detalye si Malaysian Ambassador to Manila Malik Melvin Castelino ukol sa kinalabasan ng COC negotiations sa Maynila.
“Negotiations are ongoing. It’s positive that we are doing it at a very early stage, in the first quarter and I think that’s important,” ang sinabi ni Castelino.
Ang panukalang Code of Conduct ay naglalayon na magtakda ng ilang alituntunin na pipigil sa umiigting na pagtatalo sa South China Sea mula sa labas ng kontrol at lumalala tungo sa isang major armed conflict na maaaring masangkot ang Estados Unidos, kaanib ng Pilipinas at iba pang Asian countries at kontra naman sa Tsina.
Gayunman, ang negosasyon ay dumanas pagkaantala at naipagpaliban ng ilang dekada.
“Signing of course is something that we are hoping for but progress is the most important,” ang winika ni Castelino sabay sabing, “Malaysia will push hard.”
“We are committed to this. We think this is an important element in our chairmanship and we want to work as hard as possible to come to a conclusion,” wika pa ni Castelino.
“You may have different views but the good thing is they’re talking. It’s not entirely stalemate. Malaysia is an honest broker,” aniya pa .
Ang apat na ASEAN member states gaya ng Malaysia, Pilipinas, Vietnam at Brunei – ay sangkot sa long-unresolved territorial disputes.
Ang Tsina at Taiwan ay may kahalintulad na claims halos sa buong karagatan, mahalagang daanan para sa global trade at commerce.
“The idea is, because of the current situation, it’s more important that we conclude it and sign it. Countries agreed to it and, of course, the timeframe we hope to finish it as soon as possible,” ayon kay Castelino.
Tinuran pa nito, dahil sa “it is a multilateral negotiations,” ang progreso ay depende sa kung gaano sasang-ayon ang mga bansa na ihanay ang kanilang national positions para sa kapakanan ng ‘regional stability at harmony.’
Sinasabi pa na ang negosasyon ay sumulong sa ‘most contentious issues, tinatawag na “milestones,” kabilang na ang saklaw sa pinagtatalunang katubigan na masasakop nito at kung ang Code of Conduct ay dapat na ‘legally binding’ o hindi.
“We want to be seen as an honest broker. If you see my Prime Minister’s (Anwar Ibrahim) statement, he would always talk about centrality and unity and moving the agenda for ASEAN and that’s what we are doing,” ang nagingpahayag ni Castelino sabay sabing, “He was very clear, we must make progress on ASEAN, we must make progress on the Code of Conduct and we are committed to it.”
Samantala, manunungkulan naman ang Pilipinas sa ASEAN chairmanship sa susunod na taon. Kris Jose