Home SPORTS SEAG gold ng gilas pinakamalaking tagumpay para kay BlackSPORTSSPORTS BANNER STORYTOP STORIES SEAG gold ng gilas pinakamalaking tagumpay para kay BlackDecember 22, 2025 13:453350 FacebookTwitterPinterestWhatsApp ITINUTURING ni Norman Black na pinakamalaking tagumpay sa kanyang coaching career ang pag-gabay sa Gilas Pilipinas sa SEA Games gold medal.Sa kabila ng kakulangan sa preparasyon at pabago-bagong eligibility rules, nakuha ng koponan ang gintong medalya.Tinalo ng Gilas ang host Thailand, 70-64, sa finals ng 33rd Southeast Asian Games.Aminado si Black na malaking hamon ang paulit-ulit na pagbabago sa mga patakaran ng torneo.Dahil dito, napilitan umano siyang baguhin ang line-up ng koponan nang ilang ulit.Sinadya rin ng beteranong coach na iwasan ang media upang hindi magamit ang impormasyon laban sa Gilas.Kaya sa huli, nagbunga ang sakripisyo matapos manalo ang Gilas sa lahat ng apat na larong kanilang nilaro. GP/JC