MANILA, Philippines – Mananatili ang ban sa sugar importation hanggang Disyembre 2026 para palawigin ang proteksyon sa local producers kahit pa natapos na ang crop year noong Setyembre, batay sa paglilinaw ng Department of Agriculture (DA) nitong Lunes, Disyembre 22.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layon ng polisiya na bigyang-prayoridad ang locally produced na asukal at mapanatili ang presyo sa merkado.
“Based on the current outlook for sugar production and demand, a longer import moratorium than initially suggested is necessary,” ani Tiu Laurel.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng Kalihim na ang moratorium sa sugar importation na maaaring mapasok sa unang bahagi ng 2026 ay maaaring palawigin upang isaprayoridad ang locally produced na asukal sa kabila ng malakas na domestic production.
Noong Oktubre, sinabi ng DA na walang sugar importation ang ipatutupad hanggang sa katapusan ng unang bahagi ng 2026 upang matugunan ang pangamba sa lokal na industriya ng asukal. RNT/JGC