Home NATIONWIDE ‘Secret, off-limits’ AKAP ng DSWD kinuwestiyon ni Pimentel: “invisible sa Senador?

‘Secret, off-limits’ AKAP ng DSWD kinuwestiyon ni Pimentel: “invisible sa Senador?

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa kalagayan ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na tila invisible sa mga senador dahil hindi nila ito nararamdaman.

Ipinalutang ni Pimentel ang kuwestiyon sa ginanap na delibersyon ng P229 bilyong badyet ng DSWD at attached agencies nito sa susunod na taon.

Tinanong ni Pimentel si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, kapatid ni Senador Sherwin Gatchalian at dating alkalde ng Valenzuela City, kung talagang assistance program ang AKAP o kung kailangan pang may ibalik ang benepisaryo dahil walang senador ang nakakaintindi nito.

Kinuwestiyon din niya kung bakit national program ang AKAP dahil kailangan ng batas na pagtitibayin ang Kongreso at kung bakit diskuwalipikado ang senador na lumahok sa programa.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na isang tunay na programa ang AKAP tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

“It’s a social welfare program, it does not elicit any conditions, it does not impose any conditions and it does not aim to change behaviors. It’s really in the social welfare side,” aniya.

Sinabi ni Gatchalian na matagal nang ibinabandila ng DSWD ang kagustuhan ntiong magkaroon ng isang “near poor” program.

“Alam ho natin na kailangan din natin alagaan yung near poor tulad ng napag-usapan kanina kaya tiningnan natin yung mga kapos ang kita. Kumikita pero hindi sapat yung kinikita lalong-lalo na in the time of inflation,” ayon kay Gatchalian.

“So we welcomed it in the line iteming in the GAA when we got the 2024 GAA. So kami as a matter of principle we implemented it, and we created guidelines for it to make sure that it suits the purpose of its mandate,” dagdag ng kalihim.

Kaya’t naipahayag ni Pimentel na tanging misyon ng ahensiya na pagaanin ang pakikipag-usap ng mamamayan sa gobyerno pero naging kumplikado kung paghihiwalayin ang pakahulugan ng “poor” at “near poor” na indibiduwal.

“Bakit pa tayo nag distinguish ng tinaman ng inflation eh hindi ba kaya nga inflation is a curse tinataman lahat eh. I mean tamaan ang lahat, si poor, and near poor tapos sasabihin natin nakaimbento tayo ng programa na let’s not forget the near poor because of the inflation but the poor is also hit by inflation and what’s the point? Tanong ni Pimentel.

“Kaya ngayon lang natin to nasasabi kasi never dumaan sa plenary, hindi naman ito natanong ano bang programa ito how come biglang ang phrase na natin near poor and we link it to inflation as if the poor are insulated from inflation. It’s the same thing kaya nga tama siguro kung if you can afford this amount, why not put it in AICS? Dagdag ng senador.

Sinabi ni Pimentel na may ilang senador ang naging saksi sa distribusyon ng AICS at katunayan nakasaksi minsan na nakita nilang maganda ang programa.

“Ako’y nakapagsalita na sa isang AICS distribution tinanong ko sila do you like this program? Gusto nila, they like this program kasi nga ayuda,’ aniya.

“How come AKAP seems to be invisible us? We have not been invited to any AKAP if it’s like AICS it must be also like a distribution, how come it is invisible to senators? Unlike AICS which is visible to senators,” dagdag ng senador.

Ikinatuwiran naman ni Gatchalian na kanilang inilalagay sa social media accounts ng ahensiya ang iba’t-ibang aktibidad nito kabilang ang AKAP payouts upang makita ng lahat kung ano ang kanilang ginagawa sa AKAP, AICS, o emergency cash transfers

“But how come the level of involvement of senators in the AKAP program close to nothing if not negligible when compared to AICS? If it’s like AICS, how come in its implementation it’s so different from AICS, as far as senators are concerned it’s like a secret, invisible, off-limits program,” ani Pimentel.

“Bakit? Di ko maintindihan e. At saka secretary kung matagal niyo na ‘tong iniisip, bakit sa plenary hindi namin nadiscuss nung when we were discussing the 2024 budget? Dapat sa plenary openly nadiscuss po iyan,” ayon kay Pimentel. Ernie Reyes