Home NATIONWIDE Security measures sa Malakanyang sapat sa posibleng kaguluhan sa gitna ng rally...

Security measures sa Malakanyang sapat sa posibleng kaguluhan sa gitna ng rally – Castro

301
0

MANILA, Philippines – SAPAT ang security measures na ginawa sa Palasyo ng Malakanyang para mapigilan ang kahalintulad na kaguluhan na nangyari noong September 21 protest sa Mendiola Street.

“Tingin ko sapat na ‘yung ginagawa nilang preparasyon. Kung ano man ang isasarang gate diyan, I think enough na ‘yan to give protection in the same para maiwasan ‘yung gulo,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang panayam.

Ani Castro, ginawa ang paghahanda para protektahan hindi lamang ang mga tao sa Malakanyang kundi maging sa bisinidad nito.

“Hindi lang naman din ang Malacañang ang pinoprotektahan dito. Maraming taong maaaring idamay tulad noon. Nakaraan magdamay ng ibang tao at establisimyento,” aniya pa rin.

“I think ready ang kapulisan natin sa ganyang klaseng mga aktibidad,” dagdag na pahayag ni Castro.

Nauna rito, nag-deploy ang PNP ng mahigit sa 16,000 police personnel para sa three-day anti-corruption protest, na sinimulan nang gawin araw ng Linggo, Nobyembre 16 hanggang araw ng Martes, Nobyembre 18.

Samantala, naka-full alert status naman ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa public security sa panahon ng rally. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here