MANILA, Philippines – Dahil sa paparating na Kapaskuhan, naka-alerto na ang mga tauhan ng Manila Police District at nagsagawa ng Law Enforcement Check Point, na pinangunahan ni team leader PLt. Marvin Flores ng MPD Station11 Gandara PCP.
Samantala, rumesponde rin ang MPD sa isang aksidenteng kinasangkutan ng SUV na sumampa sa center island barrier sa Lawton, Padre Burgos, Bonifacio Bridge nang malingat sa pagmamaneho ang driver nito. Ligtas naman ang nasabing drayber na tinulungan ng mga rumespondeng awtoridad. (Kuha ni Crismon Heramis)