Home METRO Sekyu, kasabwat arestado sa pagnanakaw ng cable wire ng PLDT

Sekyu, kasabwat arestado sa pagnanakaw ng cable wire ng PLDT

60
0

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang indibidwal kabilang ang isang Security Guard ng City Security Force (CSF) ng Manila City Hall matapos maaktuhan ng mga tauhan ng isang telecommunications company na nagnakaw ng called wire sa Ermita, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang mga suspek na sina alyas Jaycee, 21 anyos, tricycle driver at Jomari, 46 anyos at umano’y sekyu ng CSF.

Ayon sa reklamo ni Joel de Leon, Junior Asset Protection Specialist at awtorisadong kinatawan ng PLDT na nagsasagawa ng stake-out operation ang mga roving guardsĀ  ng PLDT dahil sa serye ng insidente ng mga nawawalang mga copper cable wire sa kahabaan ng Antonnio Villegas St., near cor., Arroceros St., Brgy 659-A, Ermita, Manila.

Naaktuhan ang suspek na sakay ng tricycle at nakitang isinakay ang mga putol na copper cable wire. Agad hinarangĀ  ng security guard ang tricycle para mainspeksyon kung saan sa beripikasyon at natuklasan na ang mga kable ay pag-aari ng nasabing kumpanya dahil sa mga markings.

Habang nasa gitna ng komprontasyon, dumating naman ang isa pang suspek na siya umanong nag-utos sa kasamahan na isakay sa tricycle ang mga kable.

Agad na humingi ng tulong ang mga roving guards ng PLDT sa Lawton PCP para maaresto at maimbestigahan ang mga suspek.

Ayon sa MPD mahaharap sa paglabag sa Anti-Cybercrime telebisyon and cable Internet Tanging Act of 2013 ang dalawang suspek sa Manila City Prosecutors Office. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here