Home METRO Sekyu tiklo sa indiscriminate firing sa pagdiriwang ng bagong taon

Sekyu tiklo sa indiscriminate firing sa pagdiriwang ng bagong taon

MANILA, Philippines- Arestado ang isang security guard sa umano’y pagpapaputok ng kanyang baril sa Barangay Baesa, Quezon City sa gitna ng pagdiriwang ng bagong taon.

Kiinilla ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na si Boy Bagua, 44.

Nadakip siya matapos isumbong ng isang concerned citizen ang insidente ng pagpapaputok.

“During the arrest, it was observed that the suspect was evidently under the influence of alcohol, and a handgun was visibly tucked into his waist,” pahayag ng QCPD.

Narekober mula kay Bagua ang isang .38-cal. Special pistol na kargado ng isang fired cartridge case at apat na bala.

Mula Dec. 16, 2023 hanggang Jan. 1, 2024, may kabuuang 13 indibdiwal ang naaresto dahil sa illegal discharge of firearms, ayon sa Philippine National Police (PNP). RNT/SA

Previous article4.1M minimum wage earners nakinabang sa pay hike noong 2023
Next article2nd round ng procurement process para sa 2025 elections kasado sa Enero 8