Home METRO Sekyu timbog sa pagnanakaw sa estudyanteng Vietnamese

Sekyu timbog sa pagnanakaw sa estudyanteng Vietnamese

MANILA, Philippines – Arestado ang isang security guard na umano’y nagnakaw sa isang estudyanteng Vietnamese national sa Muntinlupa City.

Ayon sa reklamong inihain ng biktimang si Thi Thanh Tam Hoang, 22, residente ng Garden by the Bay Residences na matatagpuan sa Roxas Boulevard, Pasay City, naganap ang insidente ng pagnanakaw sa kanya sa Posadas Avenue, Barangay Sucat, Muntinlupa City.

Sa pagsasagawa ng follow-up operation ay natukoy ng mga tauhan ng Muntinlupa police Sucat Substation 4 ang suspek na kinilalang si Mc Quinn Jones Borja, 26, security guard, naninirtahan sa Naic, Cavite.

Sa patuloy na operasyon ng mga miyembro ng Sucat Substation 4 na nagsagawa ng hot pursuit operation ay nadakip ang papatakas nang suspek na lulan ng isang sasakyan.

Sa istasyon ng pulisya ay positibong kinilala ng biktima na kasama ang kanyang translator ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Muntinlupa City police. James I. Catapusan

Previous articleFlag stops ng PNR malapit sa mga sementeryo, hanggang ngayong araw na lang
Next articleMagkasintahan humabol sa Undas