Home NATIONWIDE Flag stops ng PNR malapit sa mga sementeryo, hanggang ngayong araw na...

Flag stops ng PNR malapit sa mga sementeryo, hanggang ngayong araw na lang

MANILA, Philippines – Hanggang ngayong araw na lamang ang inilatag na flag stops ng Philippine National Railways (PNR) sa ilang mga lugar na malapit sa mga sementeryo.

Ayon sa PNR, binuksan ang dagdag na flag stops ng PNR para lamang sa Undas na nagsimula noong Oktubre 31.

Kabilang dito ang Santa Ana flag stop sa pagitan ng San Pablo at Tiaong; at Candelaria Crossing flag stop sa pagitan ng Tiaong at Candelaria.

Gayundin ang Hermosa flag stop sa pagitan ng 5th Avenue at Solis; at Espeleta flag stop sa pagitan ng Sucat at Alabang.

Ayon sa PNR, ang naturang mga dagdag na flag stops ay kung saan maaaring magsakay at magbaba ng mga pasahero. Jocelyn Tabangcura-Domenden