Home NATIONWIDE Sekyu utas sa irrigation canal

Sekyu utas sa irrigation canal

PANGASINAN-Tigok ang isang 49-anyos na lalaki matapos malunod sa irrigation canal sa Brgy. San Vicente, Urdaneta City ng lalawigang kahapon ng umaga, Mayo 17.

Ayon sa Urdaneta CPS, ang biktima ay isang security guard, walang asawa.

Bago ang insidente, ang biktima na nasa impluwensya ng alak ay nakitang nagsi-swimming sa naturang irrigation canal.

Pagsapit ng 9:20 ng umaga, ang biktima ay nakita na lang na palutang-lutang sa kanal.

Ayon sa mga residente, ang biktima ay madalas nilang nakikitang naliligo sa irrigation canal sa tuwing nalalasing.

Walang makita ang mga otoridad na sign of physical injury sa katawan ng biktima.

Agad nilang isinugod sa ospital ang biktima.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso