Home NATIONWIDE ITCZ, easterlies magpapaulan sa Mindanao at Eastern Visayas

ITCZ, easterlies magpapaulan sa Mindanao at Eastern Visayas

MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at Easterlies sa Mindanao at Eastern Visayas ngayong Lunes, Mayo 19.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Mindanao, Eastern Visayas, at Palawan dahil sa ITCZ.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm dahil sa easterlies. RNT/JGC