Home METRO Sekyu vs rider: Sitahan nauwi sa barilan sa terminal sa Cubao

Sekyu vs rider: Sitahan nauwi sa barilan sa terminal sa Cubao

323
0

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang motorcycle taxi rider matapos siyang barilin ng 43-anyos na security guard sa bus terminal sa Cubao, Quezon City nitong Linggo, matapos ang pagtatalo tungkol sa paradahan.

Ipinakita sa CCTV footage na nilapitan ng sekyu ang 32-anyos na rider dahil nakaharang umano ito sa daanan ng mga pasahero. Nagkaroon ng pagtatalo at suntukan hanggang sa matumba ang sekyu, na sinundan umano ng pamamaril sa rider.

Ang rider ay nagtamo ng tama ng bala sa tagiliran at dinala sa ospital, habang ang sekyu ay nagkapasa at hiwa sa tainga na kinailangang tahiin.

Ayon sa pulisya, nauwi sa karahasan ang simpleng pagsita ng sekyu nang tangkaing kunin ng rider ang baril nito.

Naaresto ang sekyu at haharap sa kasong homicide, habang sasampahan naman ng physical injury ang rider. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here