Home METRO Selebrasyon ng Women’s Month umarangkada sa Pasay

Selebrasyon ng Women’s Month umarangkada sa Pasay

184
0

MANILA, Philippines – Daan-daang kababaihan ang lumahok sa “Indak ni Juana” Zumba Party Contest sa Pasay City Hall grounds nitong Linggo ng hapon, Marso 8, kaugnay sa pagsisimula ng selebrasyon ng National Women’s Month.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, layunin ng nabanggit na aktibidad ang i-promote ang women’s empowerment, gender equality, at pagkakaisa ng mga kababaihan sa lungsod habang kinikilala ang gingampanang tungkulin sa nation-building at community development.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na ang selebrasyon ay nagsisilbi ring plataporma upang mapalakas ang kaalaman ng publiko sa karapatan ng mga kababaihan gayundin ang importansya ng pagkakaroon ng ligtas at espasyo sa kapaligiran.

Dagdag pa ni Calixto-Rubiano ay magsasagawa rin ang lokal na pamahalaan ng iba’t-ibang aktibidad upang kilalanin at suportahan ang kapakanan ng mga kababaihan sa lungsod.

Kasabay nito, bago pa man magsimula ang paligsahan ng pagsasayaw ay nakibahagi si Calixto-Rubiano sa Zumba party kung saan kasama ng mayora ang mga kalahok ng kababihan kabilaang ang mga celebrity performers ng Street Boys at iba pang mga dance instructors.

Nasa 24 na grupo ang nagpakita ng kani-kanilang mga husay at galing sa pagsasayaw ng Zumba kung saan napagkalooban ng premyo ang Best in Costume, Most Number of Participants, pati na rin ang Best Performer categories na nakatanggap ng P10,000 sa bawat nabanggit na kategorya habang walang uuwing luhaan dahil ang bawat grupong hindi nagwagi ay pinagkalooban din ng P5,000 bilang consolation prize.

Tumanggap ang naging champion sa kompetisyon ng P50,000, habang ang first runner-up ay nag-uwi ng P25,000 samantalang ang second runner-up ay napagkalooban naman ng premyong P15,000. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here