Matapos pormal na tinanggap ng Senado ang ika-apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, tiniyak ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na mananatili itong “apoloitical, neutral bilang Senator-judge na magdedesisyon sa kaso.
Sa panayam, sinabi ni Dela Rosa, kilala kaalyado ng pamilya Duterte, na ganito ang kanyang kasalukuyang posisyon sa impeachment complaint laban kay Sara na naisampa nitong Miyerkoles ng gabi sa Senado.
“I’m not denying that I’m close to the Vice President, I’m not denying that I’m identified with the Dutertes but then again my decision will be made once I have studied the articles of impeachment at saka yung takbo ng (and the flow of the) trial to how the prosecution present their case,” aniya.
“As a sitting judge, I have to maintain my political neutrality. I should be apolitical at this time,” dagdag niya.
Sinabi pa ni Dela Rosa, dating hepe ng Philippine National Police na naglunsad ng madugong drug war, na kanyang inaasahan ang impeachment laban kay Duterte dahil nakita niya pagkilos upang makamit ito ng kaalyado ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Umabot sa 215 miyembro ng Mababang Kapulungan ang lumagda sa ikaapat na impeachment complaint na naglalaman ng six articles of impeachment para mapatalsik si Vice President Duterte.
Aniya, malamang na matalakay ang impeachment complaint pagkatapos ng halalan.
“Base sa napag-usapan kanina, parang yun ang narinig ko na, we can tackle that after the elections,” aniya. Ernie Reyes