Home NATIONWIDE Sen. Go sa Filipino athletes sa Paris Olympics: Go for gold!

Sen. Go sa Filipino athletes sa Paris Olympics: Go for gold!

MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang buong pagsuporta sa delegasyon ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics at humingi siya sa sambayanan ng pagkakaisa at katatagan habang ang bansa ay nahaharap sa mga pagsubok mula sa nakalipas na Bagyong Carina at habagat.

“I wish every athlete and every coach of the entire Philippine delegation to the Paris Olympics good luck,” deklara ni Go na binigyang-diin ang kahalagahan ng nasabing event sa pagpapaunlad ng pambansang pagkakaisa at pagmamalaki.

Binanggit niya ang mga hamon na kinakaharap ng mga Pilipino nitong mga nakaraang araw dahil sa mga kalamidad ngunit nanatiling umaasa sa potensyal ng Filipino Olympians sa internasyonal na yugto.

“Isa itong malaking rason upang magkaisa tayo para sa bansa sa kabila ng mga hamon sa katatagan ng ating mga mamamayan nitong nakaraang araw dala ng bagyong Carina at habagat,” ani Go.

“Hangad at dasal natin na sana ay makasungkit na naman tayo muli ng medalya sa Olympics,” idinagdag ng senador.

Ang PH Olympic team ngayong taon ang pinakamalaki mula noong 1992 Barcelona Olympics dahil mayroon tayong 22 atleta sa iba’t ibang sports disciplines na nakahandang kumatawan sa Pilipinas.

Sa athletics, ang mga kilalang kalahok ay kinabibilangan nina EJ Obiena na lumalaban sa pole vault, Lauren Hoffman sa 400m hurdles, at John Cabang Tolentino sa 110m hurdles.

Ipinagmamalaki naman ng boxing team ang mga talento tulad nina Carlo Paalam, Nesthy Petecio, Eumir Marcial, Hergie Bacyadan, at Aira Villegas. Itatampok sa gymnastics sina Carlos Yulo, Emma Malabuyo, Aleah Finnegan, at Levi Ruivivar.

Kabilang din sa mga atletang Pinoy sina Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina sa golf, Samantha Catantan sa fencing, Kiyomi Watanabe sa judo, at Jarod Hatch at Kayla Noelle Sanchez sa swimming. Kasama naman sa mga kalahok sa weightlifting sina Joanie Delgaco, Elreen Ando, ​​Vanessa Sarno, at John Ceniza.

Patuloy si Go sa pagsuporta sa mga atleta na sumasalamin sa kanyang tungkulin sa pangangasiwa sa pagpapaunlad ng palakasan at ng mga atleta sa Pilipinas sa kabuuan.

Sa direktang pagharap sa mga atleta, nagbanggit si Go ng ilang motivational words upang magbigay-inspirasyon at paalala na isang natatanging karangalan at panghabambuhay na prestihiyo ang kanilang paglahok sa Olimpiyada para sa bansa.

“Ang inyong pagiging Olympians ay isang karangalan na alay nyo sa bansa panghabang-buhay. At ang inyong magiging tagumpay ay tagumpay rin ng buong sambayanang Pilipino,” ayon kay Go.

Hanggang  ngayon, itinulak ni Senator Go ang pagtaas ng budget para sa mga sports program bilang vice chair ng Senate Finance Committee. Ang pagpopondo na ito ay upang lalo pang mapabuti ang paghahanda, pagsasanay, at kompetisyon ng mga atletang Pilipino sa international events.

Si Go, kasama ang Philippine Sports Commission, ay matatandaang nagbigay ng suportang pinansyal sa mga atleta na kalahok sa Paris Olympics. Sa isang seremonya sa opisina ng PSC sa Maynila noong Hunyo, namahagi sina Go at mga opisyal ng PSC ng mga tseke na nagkakahalagang P500,000 sa bawat Olympian para sa kanilang paghahanda