Home HOME BANNER STORY Sen. Jinggoy nagpiyansa ng P90,000 sa graft case

Sen. Jinggoy nagpiyansa ng P90,000 sa graft case

27
0

MANILA, Philippines – Nagpiyansa ng ₱90,000 si Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan noong Biyernes upang makalaya pansamantala kaugnay ng kasong graft na isinampa laban sa kanya na may kinalaman sa umano’y flood control anomaly.

Dumating si Estrada sa Sandiganbayan kasama ang kanyang mga anak na sina Janella at Julienne.

Nahaharap din ang senador sa isa pang kaso ng graft at plunder sa Fifth Division ng anti-graft court.

Nauna rito, naghain ang kampo ni Estrada ng urgent motion upang ipawalang-bisa ang inilabas na warrant of arrest laban sa kanya, dahil umano hindi pa siya nabibigyan ng kumpletong impormasyon tungkol sa batayan ng mga kasong isinampa.

Ayon sa kanyang abogado na si Noel Ostrea, hindi pa nila natatanggap ang mga resolusyon mula sa Ombudsman at Department of Justice kaya nahihirapan silang sagutin ang mga paratang.

Giit ng kampo ni Estrada, hindi malinaw ang mga alegasyon at hindi natukoy ang partikular na mga proyekto o insidente na pinagbabatayan ng kaso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here