Home NATIONWIDE Sen. Raffy, masaya sa Senado, ayaw sa posisyong sasakit ulo

Sen. Raffy, masaya sa Senado, ayaw sa posisyong sasakit ulo

145
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senador Raffy Tulfo nitong Lunes na wala siyang balak tumakbo bilang pangulo o bise presidente sa 2028 elections at masaya umano siya sa kanyang kasalukuyang posisyon sa Senado.

“Ayoko sagutin yan dahil wala akong balak. ‘Pag may balak ako sasagutin ko yan kaso wala akong balak,” ani Tulfo, at sinabing ito ay “as of today” at “as of the future.”

Ayon sa senador, mas marami siyang nagagawa sa kanyang kasalukuyang tungkulin.

“Masaya ako dito sa Senado. Marami akong nagagawa. For me, happy ako dito. So bakit ako pupunta sa isang bagay na magkakaroon pa ako ng sakit sa ulo?” pahayag niya.

Inilarawan din niya ang pagkapangulo bilang isang “damned if you do, damned if you don’t” na sitwasyon.

“Kung gumawa ka ng tama, mayroon pa rin kukontra sa’yo na mali ka. Hindi ka gumawa, sabihin tamad ka at wala kang pakinabang, etc. So wala kang pupuntaan doon eh,” dagdag niya.

Sinabi ni Tulfo na may mga lumapit sa kanya upang hikayatin siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon ngunit tumanggi siya at kuntento na sa pagiging senador.

Handa rin aniya siyang suportahan ang sinumang kandidato sa 2028 na ang plataporma ay naaayon sa kanyang mga adbokasiya, anuman ang partidong kinabibilangan.

“Best of luck ang wish ko kay VP Sara [Duterte] at sa lahat ng mga nag-aspire na maging kandidato for the presidency sa 2028, all of them,” ani Tulfo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here