Cebu – Mainit na sinalubong ng 4,000 ‘habal-habal’ o motorcycle taxi riders si Senator Francis ‘TOL’ Tolentino sa kanyang pagbisita sa Cebu City kamakalawa.
Sa kanyang talumpati sa Ikalawang “Habal-habal Summit”, binanggit ni Tolentino ang kahalagahan ng milyun-milyong motorcycle riders na nagsama-sama ang hanay sa mga isyung nakakaapekto sa kanila.
“The recent suspension by the Land Transportation Office (LTO) of its memorandum banning temporary plates beginning January 1, 2025 was the result of your united voice and opposition,” anang senador.
Si Tolentino ang unang nagkuwestiyon sa kontrobersyal na polisiya noong Agosto, matapos makita ang isang viral video sa social media, kung saan daan-daang rider ang pinapila sa LTO regional office sa Cebu para makakuha ng permit sa temporary plates.
“To get a permit, you pay P40 to the LTO. If not, the fine is P5,000. But none of this is your fault. Many riders are forced to use temporary plates because of the LTO’s backlog itself. Isn’t that crazy?” tanong ni Tolentino sa habal-habal rider na nagpahayag ng kanilang mahigpit na pagsang-ayon sa senador.
“This indefinite suspension gives you much-deserved relief for now, but it does not solve this issue. LTO must ramp up the production of plates for riders in Luzon, Visayas, and Mindanao, and make sure that these are distributed promptly to motorcycle owners,”giit niya.
Ang habal-habal ay mahalaga sa sistema ng pampublikong transportasyon sa Cebu, at sa katunayan ay nauna pa sa opisyal na pagpapakilala sa mga motorcycle taxi.
Noong nakaraang linggo, nagsagawa ng rally sa harap ng Senado ang Motorcycle Taxi Community Alliance (MTCA) para ilabas ang kanilang mga hinaing. Nakipagpulong si Tolentino sa mga raliyista upang tiyakin sa kanila ang kanyang suporta.
‘Di nagtagal, inanunsyo ng LTO ang suspensiyon “until further notice” ng VDM-2024-2721. Dati, ang deadline ay itinakda ng ahensya noong Setyembre 1, na inilipat sa Disyembre 31 ngayong taon dahil sa matinding oposisyon.
“With the deadline scrapped, you can again focus on your means of livelihood without the fear of being apprehended and penalized,” sabi ng senador kasabay ng pagpapaalala sa mga rider na laging siguruhin ang kanilang kaligtasan at ang kanilang back riders kapag bumibyahe sa kalsada . RNT