Home NATIONWIDE Sen. Tol umayuda sa mga sinalanta ni ‘Aghon’ sa Lucena

Sen. Tol umayuda sa mga sinalanta ni ‘Aghon’ sa Lucena

Nagmano si Sen. Francis Tolentino sa isang senior citizen bilang pagpapakita ng kanyang paggalang sa mga nakatatanda matapos dalawin ng senador ang mga residenteng nasalanta ng bagyong Aghon sa Lucena, Quezon.

Lucena City, Quezon – Pinangunahan ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ N. Tolentino ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga residenteng nawalan ng tirahan dulot ng Bagyong Aghon sa lungsod na ito.

Kasabay nito, hinimok ni Tolentino ang mga taga-Lucena na manatiling positibo, manampalataya, at kumuha ng lakas mula sa kanilang pagsubok sa kanilang pagbangon mula sa dulot ng malakas na bagyo.

Si Sen. Tolentino, kasama ang mga lokal na opisyal sa pangunguna nina Mayor Mark Alcala, Vice Mayor Dondon Alcala at mga konsehal ng lungsod, ay nag-abot ng cash aid sa 600 residente ng Barangay Market View na ang mga bahay ay winasak ng baha sa kasagsagan ng bagyo.

“It is said that those who go through tough challenges in life are also bound for better destinations. Let us acknowledge that all these unfortunate events are part of God’s plan, and that we will have a better destination ahead of us,” ani Tolentino.

Sinabi ng senador na lubos niyang nauunawaan ang pakikibaka ng mga komunidad na apektado ng mga natural na kalamidad, dahil mismong siya ay naging karanasan ito sa pagharap sa pag-aalburuto ng Taal, isang aktibong bulkan, bilang dating alkalde ng Tagaytay City.

Isinalaysay niya kung paano siya tumulong sa pagbuo ng disaster resilience at preparedness plan sa National Capital Region bilang chairperson ng Metro Manila Development Authority.

Habang ginagampanan ang kanyang mga bagong responsibilidad bilang Senate Majority Leader, sinabi ni Tolentino na sinisikap pa rin niya ang pagbisita sa mga komunidad na sinusubok ng mga kalamidad.

Nakatakda rin siyang bumisita sa Negros Oriental at Occidental para masuri ang sitwasyon ng mga naapektuhan ng pagputok ng Mt. Kanlaon kamakailan.

Sa kanyang bahagi, nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Alcala sa senador sa pagtulong sa kanyang mga kababayan – at sa pamamahagi ng mga wheelchair sa mga senior citizen at persons with disability.

“It encourages us to see someone from the national government coming over here to see our situation, and provide help. In times like these, we wholeheartedly accept all the assistance we can get. Let us thank and pray for more people in government like Sen. Francis Tolentino,” anang alkalde. RNT