MANILA, Philippines – Mahigit sa kalahati ng adult Filipinos ang aprubado pa rin ang ginagawang trabaho ng Senado at Kamara.
Ito ay batay sa resulta ng survey ng Pulse Asia para sa buwan ng Setyembre, kung saan halos kalahati ng mga respondents ng September 2023 Ulat ng Bayan ay sumang-ayon sa trabaho ng Supreme Court, sa 49%.
Sa kabila nito, bahagya itong mas mababa sa 53% na resulta noong Hunyo.
Samantala, ang Kamara naman ay nakakuha ng approval rating na 54% mula sa 58%, at Senado sa performance rating na 59% kumpara sa dati ay 62%.
“While the national performance ratings of these institutions are essentially unchanged during the period June 2023 to September 2023, there are a few significant movements across areas and classes,” saad sa media release ng Pulse Asia.
Halimbawa na lamang sa rating sa Senado, tumaas ng 12 percentage points sa Mindanao ngunit bumaba naman ng 17% percentage points sa Mindanao.
“The Supreme Court experiences an improvement in its approval score in Mindanao (+14 percentage points) but the opposite occurs in Metro Manila (-14 percentage points),” sinabi pa ng Pulse Asia.
Isinagawa ng Pulse Asia ang face-to-face interviews para rito sa 1,200 representative adults mula Setyembre 10 hanggang 14.
Ang survey ay may ± 2.8% error margin sa 95% confidence level. RNT/JGC