Home METRO Manyakis na kelot isinelda sa pangmomolestoya sa dalagita

Manyakis na kelot isinelda sa pangmomolestoya sa dalagita

MANILA, Philippines – HIMAS-rehas ngayon ang isang lalaki na madalas tsansingan ang Grade 8 student na dalagita nang umabot na sa sukdulan ang kamanyakan at pasukin sa silid ang biktima saka hinimas ang maseselang parte ng katawan sa Malabon City.

Sinamahan ng kanyang ina ang 13-anyos na dalagitang biktima sa tanggapan ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Malabon police upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek na si Armando Santos, Jr., 35.

Sa ulat na isinumite ni Malabon police officer-in-charge P/Maj. Alfredo Agbuya, Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, natutulog sa loob ng kanyang silid ang dalagita nang magising dakong alas-3 ng madaling araw matapos maramdaman na may humihimas sa kanyang dibdib at maselang parte ng kanyang katawan.

Nang imulat niya ang mga mata, nakilala ng biktima ang suspek na aniya ay noon pang Agosto 28 nagsimula siyang tsansingan at may pagka-malisyoso pang hinahalikan siya sa labi.

Nang mapansin ng suspek na nagising ang biktima ay kaagad siyang lumabas habang isinumbong na ng dalagita sa kanyang ina ang madalas na panghihipo at panghahalik sa kanya ng lalaki.

Humingi ng tulong ang mag-ina kina P/SSg. Paulino Tarrayo at P/Cpl. Kirshner Buendia ng Malabon Police Sub-Station-3, at sa tulong ng mga barangay tanod ng Brgy. Maysilo ay kaagad na aaresto ang manyakis na suspek.

Mahaharap ang suspek sa kasong Acts of Lasciviousness at paglabag sa R.A; 7610 o Special Protection Against Child Abuse, Exploitation. Boysan Buenaventura